October 2, 2016, Sunday. Nang araw na yan hindi ko akalain na magbabago ang aking paniniwala.
Nagkakayaan kaming apat mag kakaklase nung high school na magsimba sa Antipolo. Matagal tagal na din kasi kaming hindi nakaka pasimba ng mag kakasama. Ito na yung pinaka bonding namin mag babarkada. Ang usapan magkikita kita kami sa JRU ng ika-anim ng umaga. Nag commute lang kami papuntang simbahan ng Antipolo.
P 33.00 ang pamasahe, mula JRU hanggang simbahan. Maliit lamang ang simbahan ng Antipolo. Pero sadyang napaka ganda. Maraming nag sisimba.
|
Our Lady of Peace and good Voyage |
Nang araw na yun, dun ko lang din nalaman ang patron ng Antipolo ay tinatawag na
Our Lady of Peace and Good Voyage o Birhen ng Kapayapaan sa Paglalakbay. Kaya pala maraming paalis ng bansa o ofw ang nag sisimba duon. Nanalangin at Humihingi ng tulong na sana makaalis sila at sa payapang paglalakbay. Bawat isa amin sa loob ng simbahan na iyon, ay may kanya kayang ninais at hiling.
Pag katapos ng misa, sinasabi ng pari na meron silang pahalik sa santo. Pagpasok mo ng simbahan, sa kaliwng bahagi nito, ay may isang maliit na musuleyo ng patron. Maari kang mag tirik ng kandila. Ang
Kandila ang nagkakahalaga ng P5, P10, at P50 (meron lalagyan at ititrik sa harap ng santo). Sa ikalawang palapag naman makikita mo ang mga
relics. Makikita mo rin duon ang
kasaysayan ng Birhen ng Antipolo. Maari mo din hawakan ang damit nito.
|
Antipolo Outside Church |
Nag ikot-ikot kami paglabas namin ng simbahan. Naghahanap kami ng makakainan. Tapsilog. Yan ang gusto namin almusal. Nagsasawa na kasi kami sa pagkain sa food chain. Ang kaso wala kaming nakita. Nauwi kami tuloy sa karinderya. Maunlad na ang bayan ng Antipolo. Paglabas mo ng simbahan, meron na maliit na mall kang makikita. Marami na din establiyemento kang makikita. Ang mga nagtitinda ng suman na mabibili mo sa halagang
P100 sa isang dosena (12pcs) at may kasamang dagdag at patikim. Kasoy na napakasarap may 2 flavor ito plain at adobo. Ang isang takal ay
P50. Bukod sa suman, makikita mo din ang mga
Lechon. Di ko akalain sa Antipolo ay marami nag titinda ng lechon, nagkakahalaga ang lechon ng P150 ang isang platito at P250 naman pag 1/4. Marami pang kakanin kang makikita na tinitinda sa labas ng simbahan.
|
Hinulagan Taktak |
Masyado kaming naaliw sa mga nakita namin. Ibang-iba na kasi talaga ang bayan ng Antipolo. Malayong malayo ito sa huling punta namin nuon. Bigla na lang Naalala namin yung isa namin kaklase nung 4th year na nakatira sa Antipolo. Hinahanap ko yung contact nya sa messenger ko. Nag pm kami sa kanya na pupunta kami sa kanya since nasa Antipolo na kami. Aba ang lola mo nasa Hinulugan Taktak daw sya at nag zuzumba. Nagpapayat pala, ay balik alindog pala ang mantra nya ng araw na yun.
|
Hinulugan Taktak |
Pinuntahan namin sya sa Hinulugan Taktak. Mula sa simbahan sumakay kami ng tricycle. P10 bawat isa ang singil sa tricycle. Pag special o mag isa ka lang P40 ang singil. Napakaganda ng Hinulugan Taktak. Malayong malayo sa itsura nito nuon. Meron na itong mini plaza sa loob. May swimming pool na din. At libre lang ang entrance fee sa pool. Wala ka rin babayaran na entrance fee pagpasok mo sa Taktak. Pero hindi ka puede mag dala ng sigarilyo sa loob. Kailangan mong iwan ang iyong yosi sa reception. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag gamit ng sigrilyo sa loob.
|
Hinulugan Taktak |
Nakita namin sya sa loob. Nagsasayaw, pawis na pawis. Sayang, wala kami dalang ekstrang damit. Di namin kasi akalain na pupunta kami sa kanya at mamasyal ng ganito. Ang usapan simbahan lang. Ganun daw talaga, minsan mas maganda pa yung wala kang plano, yun daw kasi ang natutuloy. Parang ang sarap sumabay sa zumba. Masarap mag bawas ng taba. Parang ang sarap i achieve ng katawan ng instructor. Sa likod namin ay ang swimming pool. Konti pa lang kasi ang naliligong bata. Tuwang-tuwa sila, libre kasi. Madami nag picnic sa loob. May mga lamesa kasi naka palibot sa Taktak falls.
Inaantay namin sya hanggang matapos sya mag zumba. Nagyaya sya kanila. Malapit lang daw ang bahay nila sa White Cross. Sasamahan daw nya kami duon. Sumakay kami ng tricycle papunta sa White Cross. mula sa Taktak papuntang White Cross P10 lang din ang singil bawat isa. Tumuloy muna kami sa kanila. Nagpahinga sandali. Sabi ni Erly mahimala daw ang bundok ng White Cross. Marami nag pa totoo. Pinalabas din daw ito sa isang morning tv show. Natuwa naman kami. Si Marlyn kasi gusto ng mag ka anak. Sa idad na 35 at si Nilo ay 40, di pa rin sila mabigyan ng anak. Si Jhen, dalaga pa din sya hanggang ngayon, wish na makita nya yung right man para sa kanya. Si Renju, health ang wish nyan. Sabagay lahat naman kami ang gusto ay long life and stay to healthy. Ako, hiling ko para kay manman at para sa mga anak ko. Lahat kami ng araw na yun umaasa ng himala.
|
White Cross Entrance |
Malapit lang pala ang bahay nila sa White Cross. Nabasa ko sa labas "Prayer Mountain". Naka lock yung gate. Tinawag ni Erly si kuya chris, sya yung taga pangalaga at katiwala sa White Cross. Sabi ni Kuya Chris kung may hiling ka, magtirik ka muna ng kandila pag pasok mo. may tirikan sila ng kandila sa gilid. P5 ang kandila. Dapat if you buy the candles it comes with odd numbers, 1,3,5 etc. Di ko alam kung bakit, di na ko nagtanong. Bumili ako ng 3 sila 5 at 1. at nagdasal.
|
Mama Mary Image |
Ang
"White Cross" ay matatagpuan sa Via Dolorosa, Pinagmisahan Rd., Antipolo.Isa po itong "Prayer Mountain". Bundok po ng "Way of the Cross". Every Holy Week po or Lenten Season marami pong nag pupunta dito. Napaka peaceful at solemn ng lugar na ito. Masarap mag-isip, magmuni muni, at hanapin ang sarili mo. Bawat pag akyat, bawat baitang mara
ramdam mo talaga ang kapayapaan sa sarili mo. Ang Panata ng White Cross ay binubuo ng siyam na linggo (9 weeks).Bukas ito mula Biyernes hanggang Linggo, 7am-5pm. Hanapin nyo lang si Kuya Chris. Kung di po kayo naka pagdala ng dasalin, may mga rosary at dasalin at saint po tinitinda dito.Paalaala lang po: Mahigpit pong pinag babawal ang pagadala ng pagkain, bote ng mineral water, at sigarilyo sa loob.
|
White Cross Images |
|
The last Supper |
|
Narating namin yung tuktok, ah..napaka sarap sa pakiramdam. Nag alay kami ng panalangin. Ang sarap ng hangin, malamig sa katawan. Maririnig mo ang mga huni ng ibon. Napaka taas ng lugar. Sa tuktok, makikita mo ang imahen ni Mama Mary at ang White Cross. Marami kang makikita sa loob ng bundok. Ang mga imahe ng ng way of the cross.
|
Rock formation |
Nag kwentuhan kami ng pang yayari sa buhay namin. After 22 years , nagkita din kami nila erly. Marami ng pangyayri sa buhay namin. May mga anak na kaming dalawa, yung tatlo wala pa. Kwento ng mga buhay namin ng high school. Nag reminisce, nakaka tuwa palang balikan yung buhay mo nung kabataan mo. napaka saya ng araw na yun.
Habang pababa kami ng bundok, meron din pala sila Meditation Area. Puwede ka duon mag stay, hanggang mag sara ang sambahan. Marami kang maiisip, yung mga pangyayari sa buhay mo.
Yung mga pakakamali mo sa buhay. Mga tama at mali nangyari sayo. Mga hiling at panalangin mo na sana matupad. Pag hingi ng tawad sa lahat ng kasalanan mong ginawa. Puwede ka ngang sumigaw dun. Isigaw mo yung mga problema mo, hinagpis mo sa sarili mo. Na sana balang araw mawala lahat ng problema sa buhay mo.
Paghahanap ng sagot sa lahat ng katanungan mo sa sarili. Yung tanong na Ano bang nagawa ko pagkakamali? San ba ko nagkamali? Hanggang kelan ba matatapos ang problema ko? Ang pag subok sa buhay ko? Yung pakiramdam mo na pagod na pagod ka na. Pag baba mo ng bundok, magaan na pakiramdam mo.
|
White Cross with face of Jesus |
Nung araw na yun, naghahanap talaga ako ng himala. Nang pagbabago sa buhay ko. Baka kasi ito na yung hinihintay ko. Sabi nga nila yung mga di inaasahan pangyayari o bagay-bagay, ito yung may malaking impact sa buhay mo. Hindi naman ako relihiyosang tao. Hindi naman ako nakaka pag simba linggo linggo. Pero naniniwala naman ako sa kanya. Naniniwala ako na ginagabayan nya ako sa lahat ng ginagawa ko sa buhay ko. Nang araw na yun hindi lang paniniwala ang nagbago, hindi rin lang paea sa sarili ko. Kundi para sa aming lahat. Sa aming lima na umakyat sa tuktok ng bundok. Hanggang ngayon kapag nakikita ko yung larawan ng white cross, kinikilabutan ako. Naniniwala ako,na lahat ng dasal at hiling ng aking puso o aming puso ay dininig nya. Minsan talaga, kailangan mo isang patunay upang magbago ang iyong paniniwala. Sa amin, tumibay sya. At pakiramdam ko lahat kami ay na blessed ng araw na yun.
No comments:
Post a Comment