Entrance to Regina Rica |
Sabi nga nila "Minsan mas maganda yung walang plano kasi yung ang natutuloy".
Linggo, ika 3-Hunyo taong 2018, may usapan kami na aakyat ng Antipolo, at dahil di nila kami sinipot ni Jhen, nagpasya na lang kaming dalawa na pumunta na lang ang Regina Rica. First time namin parehas pumunta dun. At commute pa. Mula JRU sumakay kami ng jeep na pa starmall, 8 pesos pa pamasahe nun. Dun kasi ang pilahan ng jeep na pa Tanay. Mula sa starmall, sumakay kami ng jeep ng Tanay, 53 pesos ang pamasahe. Tinanong muna na namin yung driver kung dadaan ng pa Regina Rica. Hindi pala. Mula Starmall hanggang sa terminal ng palengke ng Tanay (may dalawang oras din ang byahe), dun kami sasakay ng jeep na pa sampaloc (ata yun), from Tanay Market Terminal, sakay pa ulit ng isa pang jeep. 22 pesos ang pamasahe (1 hour din byahe). From Sampaloc sasakay kaulit ng tricycle, 20 pesos ang pamasahe. 15 minutes ang travel time. Worth it naman kahit maraming sakay. Pagdating duon, napaka ganda at napakalawak ng Regina Rica.
Paakyat sa Rebulto ng Birhen |
Ilang ektarya kaya ng lupa ang sakop nun? Sadyang napaka ganda ng tanawin duon. Tahimik, fresh ang hangin, at higit sa lahat ang srap mag muni-muni. Mula sa loob ng rebulto, isa pala syang chapel. Recreation chapel. I - orient kayo kung ano gagawin nyo sa loob ng chapel. Syempre bawal ang naka sapatos. Bibigyan ka nila ng rug sock and bag, para duon mo ilagay ang sandals or shoes mo. Pag akyat mo, may mga sisters na mag re retreat.
Napaka solemn ng place. Hindi ko nga ini - expect na ang isang malaking rebulto ay isang malaking chapel. Napaka ganda din ng tanawin mula sa loob ng birhen.Pag naka pasok ka na duon, i-wish mo na ang lahat at dapat mong hilingin. Ibulong mo dun sa pader. Ay oo nga pala, bawal pala ang cellphone sa loob ng chapel. Bawal din mag picture picture. Kung ano yung makikita mo sa loob ay itatanim mo na lang sa puso mo.
Regina Rica Church |
Ito ang simbahan ng Regina Rica. Every Saturday Sunday ang mass. Mula duon sa Statue ng Regina Rica, pababa sya. Oo nga pala, if nagugutom kayo or may baon kayo, pede kayo pala kumain duon. May mga canteen, and mini store sila duon. May mga picnic site sila na with chairs and tables din. Medyo pricey nga lang ang food, kaya better to bring your own baon.
Sa paglabas ng chapel, meron duon nag bebenta ng frozen face towel with essential oils. Bili kayo kasi masarap syang ipunas talaga. From there sa gilid ng chapel also, nandun naman ang tirikan ng candles. A pack of scented candles cost 100 peso for a 4pcs. Yung candles na for love, family, money, health. Color coordinated naman ang candle.
And of course, Di mo rin akalain na marami ka rin palang pedeng puntahan sa Rizal. Try exploring this area, malapait lang naman sya sa Metro Manila.